PUMALO | 144 kataong lumabag sa mga ordinansa – arestado sa magdamag na operasyon ng QCPD

Quezon City – Umabot sa 144 na mga indibidwal na lumabag sa mga umiiral na ordinansa ang nahuli sa magdamag na operasyon ng Quezon City Police District.

Ayon kay QCPD Director C/ Supt. Joselito Esquivel – kabilang sa mga nahuli ang mga nag-iinom sa kalsada, naninigarilyo sa pampublikong lugar at gumagala nang naka-hubad.

Hindi rin nagpaawat ang mga menor de edad na pakalat-kalat sa labas kahit curfew hour.


Ilan sa kanila ang pinagsabihan at pinagmulta habang ang iba ay tinuluyang kasuhan.

Labing-walong drug suspek din ang naaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa Lungsod sa nakalipas na magdamag.

Facebook Comments