TIMBOG | Number 1 most wanted sa Sorsogon, arestado sa Cavite

Cavite – Sa Tanza, Cavite na naaresto ng mga otoridad ang isang senior citizen na numero unong wanted sa bayan ng Prieto Diaz sa Sorsogon.

Kinilala ang 74-anyos na suspek na si Gil Domasig.

Si Domasig ay nahaharap sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa.


Nakakulong na sa Prieto Diaz Municipal Police Station ang suspek.

Facebook Comments