PUMALO! | Danyos sa agrikultura dahil sa Bagyong Ompong, umabot na sa P14.3-B

Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit P14.3-B ang danyos na dulot ng Bagyong Ompong matapos itong manalasa sa Region l, ll, lll, CALABARZON at Cordillera Autonomous Region.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, pinakamalaking perwisyo ang naitala sa mga palayan at maisan sa Region 2 kung saan mahigit P6.3B ang halaga ng mga nasirang pananim.

Malaki rin ang pinsala nga palayan sa Region 3 na umabot sa halos P2.9B.


Sa Ilocos Norte pumalo sa P2,056,104,707 ang halaga nasirang mga palayan.

Halos P1.8-B naman ang halaga ng mga nasirang maisan sa Cordillera Autonomous Region.

Dagdag pa ng NDRRMC nasa 171, 932 na magsasaka ang apektado sa dalang malakas na hangin at ulan ng Bagyong Ompong.

Facebook Comments