PANGGIGIPIT LANG | Pag-usad ng kinakaharap na libel case, itinuturing ni Senator Trillanes na panggigipit

Manila, Philippines – Itinuturing ni Senator Antonio Trillanes IV na isa na namang paraan ng panggigipit ang pag-usad ng kasong libel na isinampa laban sa kanya ni Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio.

Pahayag ito ni Trillanes makaraang atasan siya ng Davao Prosecutor’s Office na magsumite ng counter affidavit sa loob ng sampung araw.

Nag-ugat ang kasong libelo makaraang akusahan ni Trillanes sa isang radio interview sina pulong at atty mans ng korapsyon sa road board at pangingikil sa kumpanyang UBER kasabwat umano ang isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region 7.


Diin ni Trillanes, hindi niya ikinakatinag ang nabanggit na kaso at haharpin niya ito.

Ayon kay Trillanes, ginagawa na ng kanyang abogado na si Atty. Reynaldo Robles ang kanilang susunod na hakbang.

Samantala, ipinakita din ni Trillanes sa media ang video at mga larawan ng sasakyang umaaligid sa kanyang bahay kung nasaan ang kanyang pamilya.

Facebook Comments