PUMALO | Kaso ng Leptospirosis, umakyat na sa mahigit 2,000

Manila, Philippines – Pumalo na sa 2,628 na kaso ng Leptospirosis ang naitala ng Department of Health sa buong bansa.

Pinakamarami sa mga kasong ito ay nagmula sa National Capital Region na mayroong 1,057 cases.

Pumapangalawa naman ang Western Visayas na mayroong 294 cases.


Sinundan ng CALABARZON (200), CARAGA Region (184), Central Luzon (178) at Ilocos Region (152).

Kaugnay nito, muli namang nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga LGUs na pagigtingin ang pangongolekta ng basura, para mapababa ang populasyon ng mga daga, at maiwasan ang pagbabara sa mga imburnal na nagiging sanhi naman ng mga pagbaha.

Facebook Comments