WALANG BUTAS | BRP del Pilar, hindi nabutasan matapos sumadsad sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Walang naging butas ang barko ng Philippine Navy na BRP Gregorio Del Pilar matapos na sumadsad sa bahagi ng Hasa-hasa shoal sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col Noel Detoyato, batay na rin sa patuloy na damaged assesment na ginagawa ng AFP.

Ayon kay Detoyato, very minimal ang naging sira ng barko,dahil sumadsad lang aniya ang pinakagilid nito o tinatawag na rudder sa mga corals.


Gumagana pa aniya ang makina ng barko at hindi naapektuhan ang buong system nito.

Sa ngayon aniya nakasentro ang kanilang imbestigasyon sa pagtukoy sa damaged assessment at kung paano mareretrieve ang BRP Del Pilar sa pagkakasadsad.

Kaninang alas-11:00 ng tanghali ay unang dumating sa hasa hasa shoal sa West Philippine Sea para tumulong sa pagretreive sa BRP Del Pilar ang barko ng Philippine Coastguard na MRRV 4407.

Habang bumabyahe pa patungo sa area ang mga tugboats ng Philippine Navy na nanggaling pa sa Batangas.

Facebook Comments