Manila, Philippines – Natapos na ang umiiral na election gun ban sa bansa na ipinatupad ng Philippine National Police dahil sa ginanap na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Ibig sabihin nito, magagamit na muli ang mga PTCFOR o Permit To Carry Firearms Outside of Residence.
Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt John Bulalacao, umabot sa 1 libo at 4 na raan ang mga naarestong lumabag sa gun ban.
1 libo at 3 daan dito ay mga sibilyan, 31 opisyal ng gobyerno, 9 na pulis at 6 na sundalo
Umabot naman sa 1 libo at 2 daan naman ang mga baril na nakumpiska na karamihan ay pistola, revolver, shotgun at rifle
Ngunit kahit tapos na ang election period, sinabi ni bulalacao na hindi nila aalisin ang mga inilatag nilang checkpoints
Facebook Comments