PUMALO | Mga nakinabang sa pantawid pasada, pumalo na sa mahigit 50,000

Manila, Philippines – Sa loob lamang ng tatlong buwan na implementasyon, umabot na sa 54, 570 na mga lehitimong jeepney franchise holder ang nakinabang sa fuel subsidy cards ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising & Regulatory Board.

Alinsunod pa rin ito sa Pantawid Pasada Program ng administrasyong Duterte na nay layuning ayudahan ang transport sector sa epekto ng malikot na galaw ng presyuhan ng produktong petrolyo.

Sa ilalim ng programa, nasa P5,000 na fuel subsidy ang matatanggap kada buwan ng bawat lehitimong jeepney franchise holder.


Ang pondo ay huhugutin naman mula sa bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Facebook Comments