Pumalo na sa anim katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Quiel

149

Batay sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) apat ang nasawi sa Cagayan kung saan dalawa ang nalunod, isa ang nakuryente at isa ang nasawi sa landslide.

 

Habang dalawa rin ang nasawi dahil din sa landslide sa Apayao.


 

Sa ngayon mahigit 900 pamilya pa ang nananatili sa 39 na mga evacuation center sa Cagayan Valley at Cordillera.

 

Una nang sinabi ng Cagayan Provincial Office na mahigit 39,000 na katao ang naapektuhan sa lalawigan dahil sa pag-ulan at pagbaha.

Facebook Comments

From Advertisers