Manila, Philippines – Pumalo sa 47. 394 billion pesos ang kabuuang kita ng Bureau of Customs (BOC) para sa buwan ng Abril.
Mas mataas ng 2% kung ikukumpara sa target na 46. 464 billion Pesos.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, malaki ang iniambag ng 14 na ports sa buong bansa dahil nagawa rin nilang malampasan ang kanilang target revenue.
Hindi naman kabilang sa mga nakaabot ng kanilang target revenue ang Port of Manila, Ninoy Aquino International Airport at Port of Legaspi.
Ayon kay Lapeña, resulta ito ng pinaghigpit na pagbabantay sa mga port entry sa buong bansa, at sa pinagigting na laban kontra smugglers
Facebook Comments