Pinay at Egyptian BF, hinuli sa Kuwait dahil naaktuhan gumagawa ng kalaswaan

405

Inaresto ang isang Pinay at Egyptian boyfriend nito matapos mahuling gumagawa ng kalaswaan sa loob ng sasakyan sa Kuwait.

Ayon sa imbestigasyon, nakaparada ito malapit sa police station at habang sinisiyasat ng dalawang security guard ang nasabing lugar, napansin nilang tila may kakaibang ginagawa ang magkasintahan.


Nung nilapitan nila ang sasakyan, bumungad sa mga ito ang milagrong ginagawa ng dalawa.

Dahil sa malaswang insidente, dinala sila sa pulisya para sa interogasyon. Dumipensa ang kababayan natin at nobyo nito na sila ay nagmamahalan at magpapakasal din sa lalong madaling panahon.

Sa kabila ng mahabang paliwanagan, tinuloy pa din ng pulisya ang reklamo. Sa ngayon, hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Facebook Comments

From Advertisers