PUMAPALO PARIN | Mga pumapasok pa rin sa mga sementeryo sa QC, aabot sa mahigit 16,000

Manila, Philippines – Abot pa 16, 208 katao ang namonitor ng QCPD na pumasok sa walong sementeryo sa QC.

Sa update ng QCPD, pinakamaraming tao na dumalaw sa kanilang mahal sa buhay hanggang bago magtanghali ay naitala sa Parokya ng Pagkabuhay o Bagbag Cemetery-na abot sa 9,357 sinundan ng Himlayang Pilipino Cemetery na may 4,000, Holy Cross Memorial Park Cemetery (1,851), Baesa Cemetery (100) , Novaliches Cemetery (820) at 6 Recuerdo Cemeteries ay may 80 katao.

Sa 30 bus terminal sa lungsod, mayroon pang 974 passenger ang lumuwas pa ng kanilang lalawigan.


Sa 17 columbary, nasa 592 ang namonitor na taong nagtungo mula kaninang umaga , pinakamarami sa St. Peter Church Columbary na abot sa 200.

Tiniyak naman ng QCPD na mananatili ang mga pulis sa kani kanilang lugar hanggang sa wala nang taong papasok sa mga semeteryo at PUVs terminal.

Facebook Comments