PANALANGIN | Senators Pangilinan at de Lima, umapela ngayong undas para sa mga biktima ng EJK

Manila, Philippines – Ngayong panahon ng undas ay umapela sina Senators Kiko Pangilinan at Leila de Lima na ipagdasal ang mga biktima ng umano ay Extra Judicial Killings o EJK, pati ang mga dinukot, tinorture at mga namatay sa kalamidad.

Umaasa si Pangilinan na atin ding maipagdasal na makamit nila ang hustisyang inaasam ng kanilang mga mahal sa buhay, nang sa gayon ay magkaroon sila ng kapayapaan sa buhay.

hiniling din ni Senator de Lima na maisama sa ating mga panalangin na makamit ng ating bansa ang kapayapaan na may katambal na pananaig ng katarungan.


Ipinaalala din ni Senator de Lima ang paggalang sa buhay ng ating kapwa.

Facebook Comments