Thursday, March 12, 2026

Puno bumuwal sa Barangay Putatan, Muntinlupa City; isang motorista, napuruhan

Napuruhan ang isang motorista matapos na bumagsak ang puno sa national road sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Batay sa ulat, sa laki ng bumagsak na puno, bukod sa motor, may nabagsakan din itong suv at truck.

Ayon naman kay Mayor Ruffy Biazon, pansamantalang isinara ang national road dahil hindi makakadaan ang mga sasakyan dahil sa nakahambalang na puno.

Ilang oras din itong nilinis ng Muntinlupa DRRM dahil sumabit din ito sa mga kawad ng kuryente.

Dahil dito, ipinagutos ni Mayor Biazon ang pag-inspeksyon sa mga matatanda nang puno sa lugar para maiwasan na ang ganitong klaseng insidente.

Samantala, nadala naman ang motoristang malubhang nasaktan sa malapit na ospital sa lugar para sa karampatang lunas.

Facebook Comments