Hindi nakaligtas sa kamay ng batas ang Barangay Kapitan ng minsan ring nagging pinaka-tanyag na baranggay sa bayan ng Calabanga sa Camarines Sur makaraang arestuhin siya kamakalawa sa kapangyarihan ng isang warrant-of-arrest na inisyu ng sala ni Judge Joveliza P. Palo-Soriano ng MCTC Canaman-Magarao dito sa probinsiya.
Bandang ala-una ng hapon, inaresto ng personnel ng Calabanga PNP si Punong Barangay Ronaldo Coner y Dolong, edad 55, may asawa ng Barangay Punta Tarawal, Calabanga dahil sa kasong Adultery.
Ang Barangay Punta Tarawal ay siyang pinakamaliit at pinakamahirap na barangay ng bayan ng Calabanga.
Magugunitang naging tanyag si Punong Barangay Ronaldo Coner sa Camarines sur, maging sa buong Pilipinas, noong 2016 sanhi ng kanyang napakalaking gampanin sa pamamagitan ng pagpapasumpa kay Leni Robredo sa tungkulin bilang Vice President ng Pilipinas.
Kaagad namang nakapaglagak ng piyansa si Kapitan Coner dahil mababa lang namang ang kanyang kinakailangan para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Dagdag na balitang local, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!
Punong Barangay na Nagpasumpa Kay VP Leni Noong 2016, ARESTADO sa Kasong ADULTERY
Facebook Comments