Punong Barangay ng Barangay Topland, Koronadal City patay sa pamamaril habang sugatan naman ang pinsan nito.

315

*Punong Barangay ng Barangay Topland, Koronadal City patay sa pamamaril habang sugatan naman ang pinsan nito.*
Patay ang isang punong barangay ngKoronadal City matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek pasado alas-10:00 kaninan gumaga sa Purok Garcia, Barangay Rotonda nitong lungsod.
Kinilala ang biktima na si KapitanBaltazar Bermilng Barangay Topland Koronadal City na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at ulo na nagging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Sa imbestigasyon minamaneho ni Bermil ang barangay patrol vehicle ng binaril ito ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.
Habang sugatan naman ang kanyang pinsan na kinilala kay NidaParcon, 62-anyos at residente din ng nasabing lugar.
Nabatid na papunta sana sa sentrong lungsod ang kapitan kasama ang kanyang pinsan ng mangyari ang krimen.
Agad namang tumakas ang mga suspek matapos magawa ang krimen.
Kaugnay nito hustisya naman ang panawagan ng asawa sa ginawang pagpatay sa kapitan.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing insidente.
Kasamang Eden Cañete, rmn dxkr 639


Facebook Comments