PUNONG LUNGSOD NG CAUAYAN, UMAASANG MASUNGKIT PA RIN ANG SGLG AWARD

Cauayan City, Isabela- Umaasa ang punong lungsod ng Cauayan na makukuha pa rin ngayong taon ang Seal of Good Local Governance (SGLG).

Isinagawa nitong Miyerkules, Setyembre 14, 2022 ang final validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa 10 Pillars na tinitignan sa SGLG sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan.

Sa ating panayam kay Mayor Caesar Jaycee Dy Jr, pumasa ang lungsod ng Cauayan sa isinagawang evaluation ng DILG region 2 kaya nakaabot pa rin sa final evaluation ang itinuturing na Ideal City of the North.

Ayon sa alkalde, hindi man aniya ito isang daang porsyento na siguradong makuha muli ng Lungsod ng Cauayan ang pang-apat na SGLG Award ay kumpiyansa pa rin ito na makamit muli ang nasabing parangal.

Naging compliant din naman aniya ang mga tanggapan na kabilang sa sampung pillars ng SGLG batay na rin sa naging rekomendasyon ng DILG Region 2.

Iaanunsyo naman ang resulta ng validation at mga SGLG Awardees sa darating na buwan ng Nobyembre o sa Disyembre ng kasalukuyang taon.

Facebook Comments