London – Isang supermarket company sa Putney High Street, London ang napilitang maglagay ng security tags sa ibinebenta nilang “manuka honey”.
Kasunod ito ng ilang sunud-sunod na insidente ng pagnanakaw sa nasabing pricey product.
Sa pamamagitan ng plastic security containers, mas lumaki ang packaging nito kaya mahihirapan na raw ang mga magnanakaw na maipuslit ito.
Prime target daw ito ng mga shoplifter dahil sa napakaraming health benefits: mabilis makapagpagaling ng sugat, nakagagamot ng acne at eczema, sore throats at iba pang digestice issues.
At dahil nga sobrang mahal ng tinagurian nilang “magic honey” (20 pounds pero 225 grams o php1,400) marami ang natutukso na magnakaw na lang nito sa supermarket.
Facebook Comments