PUP students, magsisilbing environment ambassadors – DENR

Nakipag-partner ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Manila Campus para hingin ang kanilang mga estudyante para maging environment ambassadors.

Pinangunahan ni DENR Secretary Roy Cimatu ang pag-turn-over sa 100 units ng table computers kay PUP Executive Vice President Alberto Guillo nitong October 14.

Ayon kay Cimatu, hihingi sila ng tulong sa sektor ng edukasyon para ipamulat sa mga estudyante at sa mga kabataan na kailangang baguhin ang mga nakakagawian o nakasanayan.


“We will be working together, and with the ENR ambassadors, you can help us in our main effort which is to clean up Manila Bay by cleaning the esteros and rivers that flow into it,” dagdag ni Cimatu.

Sa ilalim ng ENR Ambassador Project, malaki ang gagampanang papel ng mga kabataan sa pagsusulong ng mga proyekto, programa at aktibidad ng DENR.

Layunin din nitong kilalanin ang mga PUP students na magiging ENR ambassadors para sila ay maging kinatawan ng ahensya sa information, education at communications campaign.

Magiging bahagi rin ng kanilang adbokasiya ang protection, conservation, restoration, rehabilitation at environment development sa Metro Manila, lalo na sa Manila Bay.

Sila rin ang magbibigay ng kamalayan sa iba pang mga estudyante hinggil sa ilang environmental issues.

Ang DENR-NCR ang magsasagawa ng training sa mga student ambassadors habang ang PUP ang pipili ng mga estudyanteng may potensyal na magiging ENR ambassadors.

Facebook Comments