Ikakasa na ng Department of Health (DOH) ang pursposive sequencing o ang pamamaraan upang malaman ang lawak ng pagkahawa ng COVID-19 variant at pagtukoy sa lokasyon nito.
Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, malaki ang maitutulong nito sa patuloy na paglaban ng Local Government Units (LGUs) sa pagkalat ng nasabing virus.
Maliban dito, plano rin nilang ipatupad ang ‘Dharavi Model’ sa Metro Manila.
Ang Dharavi Model ay ang pagsasagawa ng ‘intensive contact tracing, quarantine at isolation’ na una nang ginawa noong Hulyo at Agosto noong nakaraang taon matapos sumirit ang kaso ng nasabing sakit sa ilang lugar sa bansa.
Samantala, batay sa OCTA Research, tumaas ng halos 119% o katumbas ng higit 900 kaso kada araw ang naitatala sa Metro Manila sa nakalipas na 2 linggo.
Dahil dito, umakyat na sa 1.47 ang reproduction rate ng nasabing rehiyon.