Alinsunod ito sa Fisheries Administrative Order Nos. 195 at iba pang food safety protocols para sa mga produktong isda kung saan hindi hinihikayat ang pagbenta ng mga imported na isda katulad ng pampano, whole round squid, salmon heads at salmon belly sa mga wet markets at “talipapas” dahil sa mga sa food safety reasons.
Gaya ng itinakda sa probisyon, ang pag-angkat ng mga produktong ito ay hindi ipinagbabawal.
Gayunpaman, ang mga ito ay dapat makarating lamang sa mga Institutional Buyers (IB) tulad ng mga canneries, restaurant at fish processing plant na nakasaad sa order.
Ito ay upang matiyak na ang mga imported na produkto ay hindi makikipagkumpitensya sa lokal na produksyon.
Samantala, sinabi ni DA-BFAR 2 Chief Dr. Angel B. Encarnacion na gagamitin ng Bureau ang “education vs. apprehension” approach bilang campaign strategy.
Kaugnay nito, kasalukuyan na pinapaigting ng ahensya ang kanilang information drive and advocacy campaign sa kahalagahan ng food safety sa mga imported frozen fisheries products at ang nilalaman ng FAO sa mga pampublikong pamilihan sa Cagayan.
Ang katulad na aktibidad ay isasagawa rin sa mga lalawigan ng Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.
Humingi din ng suporta ang ahensya sa mga LGU-partners upang matulungan ang Bureau sa mga aktibidad nito sa awareness campaign sa kani-kanilang mga lugar upang maprotektahan ang kapakanan ng maliliit na “fishpreneurs”.