Patuloy na isinasagawa ng Provincial Veterinary Office ng Pangasinan ang medical mission para sa mga alagang hayop sa Pangasinan.
Ang naturang aktibidad ay bilang bahagi ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso kung saan puspusan itong isinasagawa ng ahensiya para sa pagbibigay ng serbisyo sa mga hayop.
Highlight ang medical mission na ito sa ilalim ng Rabies Awareness Month sa bisa ng R.A. 9482 o Anti-Rabies Act 2007.
Samantala, ilan sa mga serbisyong medikal na maaaring ibigay sa mga alagang hayop ay gaya na lamang ng mga sumusunod: deworming (pagpupurga), castration (pagkakapon), at vitamin supplementation.
Kaya’t inaanyayahan lahat ng mga may alagang hayop na isali ang kanilang mga alaga upang maiwasan na magkaroon ng sakit o rabies ang mga alagang hayop. |ifmnews
Facebook Comments