FARM TO MARKET ROAD SA BAYAN NG ASINGAN, NAGPAPATULOY SA KONSTRUKSYON

Nagpapatuloy ang konstruksyon ng Farm to Market Road sa bayan ng Asingan bilang magiging pangunahing daanan ng mga residente sa nasabing bayan at mga karatig bayan pa nito.
Prayoridad din ang kapakanan ng mga magsasaka sa bayan dahil sa kanilang mga idinadaan na mga ani kaya’t puspusan ang ginagawang pagsasaayos nito.
Pinagsisikapan naman ng lokal na pamahalaan ng bayan at tanggapan ng ikaanim na distrito ang patuloy na pagpondo rito upang matapos ito at mapakinabangan na ng mga residente rito. |ifmnews

Facebook Comments