MANILA – Iginiit ni Committees on Climate Change chariperson Senator Loren Legarda sa pamahalaan na gawing puspusan ang paghahanda La Niña phenomenon, na inaasahang magdadala ng matinding pag-ulan sa bansa sa bansa sa mga susunod na buwan.Giit ni legarda sa gobyerno, tiyaking epektibo ang ilalatag na disaster risk reduction o DRR programs.Mungkahi pa ni legarda sa pamahalaan, gamitin na ngayon pa lang angb pondo para sadisaster preparedness at climate adaptation para sa agaran at epektibong preparasyon sa La Niña.Ipinaliwanag ni legarda na dahil sa La Niña ay asahan na ang mas maraming bagyo at mas malakas na buhos ng ulan.Bunsod nito ay iginiit din ni legarda sa mga local govt units o LGUs na pagigtingin na ang community-based disaster management at early warning system sa kani kanilang nasasakupan.
Puspusang Paghahanda Sa La Nina, Iginiit Ng Isang Senador
Facebook Comments