Puspusang Pagpapatupad ng OLPAN KATOK ng PNP San Pablo, Patuloy Parin!

San Pablo, Isabela- Patuloy parin ang maigting na kampanya ng PNP San Pablo sa kanilang OPLAN Katok upang magpaalala at bisitahin ang mga may ari ng loose firearms na paso ang mga lisensya.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni PSI Jojo Turingan ang Hepe ng PNP San Pablo sa naging Panayam ng RMN Cauayan sa kanya sa programang Sentro Serbisyo.

Aniya, mayroon umanong mahigit isang daan na mga baril ang isinuko sa kanilang tanggapan sa mga nakalipas na taon at ilan umano sa mga may-ari nito ay nakapagparenew na din ng lisensya habang sa ngayon ay mayroon umanong limang naidagdag dito.


Ayon pa sa kanya, isa umano sa tinututukan ng PNP San Pablo ay ang pagpapaputok ng mga residente ng baril kung nakadaan na ang patrol ng kapulisan na nagroronda kung kaya’t ngayon ay nakipag-ugnayan na umano sila sa mga brgy. Officials upang lalong mabantayan ang mga ito.

Samantala, muli namang ipinapaalala ng hepe sa mga may mga baril na paso na ang lisensya na ipasakamay muna sa kanilang tanggapan habang hindi pa narerenew ang mga dokumentong kaylangan sa pagdadala ng baril.

Sa ngayon ay maigting naman ang ginagawang pagtutok ng PNP San Pablo sa OPLAN Katok upang masigurong lahat ng mga residente na may hawak na baril ay sumunod sa alituntuning ipinatutupad ng kapulisan

Facebook Comments