Puspusang pagtugis sa mga nagpapakalat ng fake news, iginiit ng 1 senador

Dismayado si Senador Win Gatchalian sa mabilis na pagkalat ng fake news sa internet kaugnay sa sitwasyon ngayon dulot ng COVID-19.

Dahil dito ay pinapabilisan ni Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang pagtugis, pag-demanda, at pagpapakulong sa mga nagpapakalat ng fake news.

Diin ni Gatchalian, ang agarang pagpapakulong sa mga taong nagpapakalat ng fake news ay magsisilbing babala para sa mga magdudulot ng takot at kalituhan ngayong nasa gitna ng isang public health emergency ang bansa.


Kasabay nito ay punayuhan din ni Gatchalian ang publiko at mga otoridad na maging alerto laban sa iba’t ibang mga scam at mga pekeng donation drives na maaaring maging talamak ngayong mahaba-haba ang panahon ng mga taong manatili sa bahay.

Hiling ni Gatchalian sa mga otoridad, tugisin din ang mga nasa likod ng anumang panloloko.

Facebook Comments