Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Rowel Ponce, presidente ng Vegetable Section ng palengke ng Cauayan, huwag sana aniyang itago ng mga nagsusuplay ng puting sibuyas para naman may maitinda ang mga market vendors sa mga naghahanap na mamimili.
Sa kasalukuyan ay halos wala nang mabili na puting sibuyas sa palengke dito sa Lungsod at kung meron man ay halos mga reject o malapit nang masira.
Kasunod na rin ito ng pagtaas ng presyo ng puting sibuyas na pumapatak sa P400 pesos kada kilo.
Ayon pa kay Ginoong Ponce, bagamat mahal ang presyo ng white onion ay mayroon pa rin kasing gustong bumili nito subalit iniaalok na lamang ang pulang sibuyas dahil sa kawalan ng supply ng white onion.
Sinabi ni Ponce na kung sakali mang may supply ng puting sibuyas ay ilabas na para magkaroon naman ng supply sa merkado.