Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na mahaharap sa parusa ang mga driver at operator na lalabag sa “no vaccination, no ride” policy.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Steve Pastor, bukod sa multa ay maaari pang masuspinde o mapawalang-bisa ang prangkisa ng mga pampublikong sasakyan na hindi susunod sa bagong polisiya.
Matatandaang ilang transport group ang tumututol sa polisiya dahil bukod sa abala ito sa kanilang paghahanapbuhay ay maaapektuhan din anila nito ang kanilang kita.
Nakiusap din naman ang ahensya sa mga pasahero na makipagtulungan at sumunod sa polisiya.
Epektibo ang “no vax, no ride” policy sa NCR sa Lunes, January 17.
Facebook Comments