PUV drivers, dapat maging exempted sa pagbabayad para sa pagkuha at pag-renew ng driver’s license

Isinulong ni CIBAC Party-list Representative Bro Eddie Villanueva na malibre ang mga tsuper ng pampublikong transportasyon sa pagkuha at pag-renew ng professional driver’s license na nagkakahalaga ng P600 hanggang P700.

Sa inihaing House Bill 7796 ay sinabi ni Villanueva na malaking tulong ito para sa mga Public Utility Vehicle o PUV drivers na kakarampot lang ang kita sa pamamasada.

Sabi ni Villanueva, sa mga probinsya ay maraming tricycle drivers ang wala o expired ang professional driver’s license dahil wala silang panggastos dito.


Kapag naging batas ang panukala ni Villanueva ay kabilang sa magbebenepisyo rito ang mga driver ng trucks-for-hire, UV express service, tricycle, FilCab, taxi, mga pampasaherong bus at jeep.

Nilinaw naman ni Villanueva na hindi saklaw ng kaniyang panukala ang mga driver ng mga transport vehicles na accredited o nag-ooperate sa ilalim ng Transport Networks corporations and individual.

Facebook Comments