Manila, Philippines – Sisimulan na ng pamahalaan ngayong buwan na maglabas ng mga modern jeepney.
Ito ay bilang bahagi ng jeepney modernization program kapalit ng mga lumang jeep na pumapasada sa bansa.
Ayon sa hepe ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na si Tim Orbos, mula ngayong Enero hanggang Marso na maglalabas na sila ng nasa 500 hanggang 3,000 units.
Una nang inaabisuhan ang lahat ng jeepney operators at drivers na isailalim ang kanilang mga units sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS) para masubok kung pwede pa itong pumasada.
Facebook Comments