Manila, Philippines – Ilulunsad na ng Department of Transportation (DOTr) sa Lunes, June 19 ang PUV modernization program nito.
Ayon sa abiso ng DOTr, layon ng nasabing programa na gawing mas ligtas, maginhawa, mabilis at kumportable ang pagbiyahe ng mga pasahero.
Dahil dito, nagbanta ang grupong PISTON na magsasagawa ng malaking kilos protesta sa Lunes kasabay ng launching.
Giit ni PISTON National President George San Mateo, sa sandaling maisakatuparan na ang nasabing modernization program ay mabibigyang-daan din ang pagphase-out sa mga jeep na edad 15 pataas.
Nangangahulugan aniya ito ng pagpatay sa hanapbuhay ng libu-libong tsuper sa bansa.
Maliban rito, inalmahan din ng grupo ang pagkontrol anila ng mga pribadong kumpanya sa pampublikong sasakyan.