Manila, Philippines – Muling magsasagawa ng malawakang tigil-pasada ang grupong PISTON sa Lunes, Marso 19 upang tutulan pa rin ang PUV Modernization Program ng pamahalaan. Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) President George San Mateo, nagbabalat-kayo lamang umano ang Duterte Administration sa sinasabi nilang modernisasyon program dahil ang tunay na pakay nito ay talagang jeepney-phase out ito ng mahigit isandaang sa isang libo hanggang dalawang daang libong jeep ang matatanggal sa bansa. Paliwanag ni San Mateo, malabo ang sinasabi ng gobyerno na modernisasyon dahil sa kulang ang pondo ng pamahalaan para sa modernisasyon kung saan aabot lamang sa tatlong bilyong piso at hindi mapupunuan ang nasa isang daan at walumpong libong mga otorisadong jeepney na tumatakbo sa bansa. Dahil diyan ikakasa nila ang malawakang tigil pasada kung saan magiging sentro naman aniya ng kanilang aktibidad sa Metro Manila ang Cubao at Novaliches sa Quezon City, Anda Circle sa Maynila, Monumento sa Caloocan City at Alabang sa Muntinlupa. Giit pa ni San Mateo, na posible rin aniyang magkaroon ng tigil-pasada sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal at Batangas upang iparating sa gobyerno na seryoso ang kanilang grupo sa paglaban ng phase out sa mga pampublikong sasakyan sa bansa.
PUV MODERNIZATION PROGRAM | Malawakang tigil-pasada, ilulunsad ng grupong PISTON sa Lunes
Facebook Comments