BANGON MARAWI | Mga relief goods at school supplies, inihatid ng Philippine Coast Guard sa Marawi

33

Manila, Philippines – Isinakay na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang mga relief goods at school supplies kung saan malaking tulong ito para sa mga estudyante ng Marawi. Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, ang dumating ang barko nilang BRO Corregidor sa Iligan Port na puno ng mga Relief Goods at School Supply na galling sa DSWD. Paliwanag ni Balilo, ang mga ipapamahigi ay mga food packs, mga sapatos para sa mga estudyante mula sa Elementary at High School mga Uniform Pants, Polo, Shorts, Skirt at Blouse mga Jogging Pants T-Shirt at ang lahat ng mga itoy para sa mga lalake at babaeng estudyante mula sa Elementarya hanggang High School. Dagdag pa ni Balilo na tuloy tuloy ang kanilang paghahatid ng mga Relief operation sa Marawi at sa susunod nilang biyahe ay mga materials para sa mga itatayong mga nasirang paaralan kung saan itoy ipapamahagi ng Brigada Eskwela ng Department of Education.

Facebook Comments