PUV operators, drivers makatatanggap ng P5.8 Billion na cash aid – LTFRB

Tiniyak ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ang mga driver at operator ng public utility vehicles na apektado ng COVID-19 ay makatatanggap ng cash subsidies sa ilalim ng Bayanihan recovery plan.

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III, ang mga driver at operator ay isasailalim sa service contracting program ng gobyerno.

Nasa ₱5.8 billion ang inilaan para sa subsidy ng apektadong sektor.


Mula sa nasabing halaga, ₱3 billion ang ipamamahagi sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

“Yung paglalaan ng pondo patungkol dito sa service contracting. Ang serbisyo ng ating mga driver at operator would be subsidized by the government,” sabi ni Delgra.

Sinabi ni Delgra, magiging performance-based ang subsidy,

“But the subsidy is based on what we call performance-based. Meron pong mga indicators na kailangan po nating mailagay sa sistema, for which they will conform,” dagdag ni Delgra.

Punto ni Delgra na ang pagdadagdag ng kapasidad ay nangangahulugan ng pagdadagdag ng units na bumibiyahe sa kalsada.

“Longer than they would want to or they would need to kasi nga walang kumpyansa sa pagpapatakbo,” ani Delgra.

Sa ilalim ng service contracting, ire-regulate ng pamahalaan ang bilang ng operating hours ng mga driver at operator.

Facebook Comments