PVAO, nilinaw na walang ghost pensioners at walang nawawalang pondo sa kanilang ahensya

Walang ghost pensioners at  walang nawawalang pondo sa Philippine Veterans Affairs Office o PVAO.

 

Ito ang iginiit ni PVAO Administrator at Retired Lt/Gen. Ernesto Carolina makaaraang ilabas ng COA o Commission on Audit na may mahigit Limang libong patay nang pensyonado ang nakatatanggap pa rin ng pensyon na nagkakahalaga ng P70 (Pitumpung Milyong Piso).

 

Sinabi ni Carolina na mula sa  Pitumpung Milyong Piso, Apatnapung Milyon dito ang nabawi na nila at nasa PVAO account na habang ang nalalabi pang Tatlumpung Milyon piso ay nananatili sa bank accounts ng mga benepisyaryo at hindi ito ginagalaw.


 

Hindi lang ito mabawi sa ngayon ng PVAO dahil nanganagilangan ito ng kaukulang dokumento tulad ng Death Certificate mula sa PSA o Philippine Statistics Authority bilang katunayan na ang isang pensyonado ay patay na.

 

Nilinaw din ni Carolina na nasa Isandaan at Walumpung Libong pensioners ang humahawak sa Dalawandaang Libong Accounts sa Bangko dahil ang iba rito’y tumatanggap din sa pensyon ng kanilang namayapang asawa na beterano rin.

 

Sa huli siniguro ni Carolina na walang nangyayaring anomalya sa kanilang Ahensya at nangako itong maisasaayos din ng PVAO ang mga kinukuwesyon sa kanila ng COA.

Facebook Comments