PWD Forum isinagawa sa Surigao City, iilang benepisyo at discount tinalakay

PWD Forum isinagawa sa Surigao City, iilang benepisyo at discount tinalakay. Ayon sa Presidente ng Persons With Disabilities (PWD) na si Editha Etac, malaki ang pasalamat nila sa pagtitipon lalo na’t natalakay ang mga benepisyo at discount nila sa mga gamot, groceries at transportasyon. Diumano’y iilang negosyante dito sa lunsod ang hindi nagbibigay ng discounts dahil hindi alam ang batas sa PWD. Sa pamamagitan ng Forum, umaasa sila na maipatupad na ang batas at makuha na nila ang mga benepisyo at discount.

Facebook Comments