PWD FRIENDLY DAPAT | Grupo ng PWDs, nagpahayag ng saloobin kaugnay sa Transport Modernization Program ng gobyerno

Manila, Philippines -Nananawagan ang iba’t ibang grupo ng Persons with Disabilities sa pamahalaan na isaalang alang sila sa isinasagawang transport modernization ng gobyerno sa kasalukuyan.

Ayon kay Aber Manlapaz, isa sa mga lider ng grupo, bagamat sa kasalukuyan ay accessible ang mga P2P buses sa mga PWDs, hindi naman daw PWD-friendly ang mga jeep at mga tricycle sa bansa.

Pili lamang aniya ang mga pampublikong transportasyon na PWD friendly, at depende pa daw ito sa gusto ng mga kumpaniya o operators na maging PWD friendly ang kanilang mga ipapasadang sasakyan.


Ayon kay Manlapaz, bilang gobyerno, tungkulin dapat nila na i-regulate o magbaba ng mandato sa mga public transport operator na gawing PWD friendly ang lahat ng public transport sa bansa.

Facebook Comments