Pinuna ng PWD Philippines ang naging pahayag ni JM Rodriguez tungkol sa mga batang gumagamit umano’y ng mga pekeng persons with disability ID para makapila sa priority lane ng Shake Shack burger restaurant.
Na-screenshot ng grupo ang controversial Facebook post ni Rodriguez bago niya pa ito burahin.
“Shame on you kids using fake disabled IDs to use the priority lane at Shake Shack. I’m so jealous of you LOL. PS if they’re not in a wheelchair… don’t allow them!”
Makikita sa screengrab na sumagot ang isang nanay ng PWD sa nakababahalang post ng singer-actor.
Ayon kay Celine Palafox, hindi dapat nito kinukuwestiyon ang katayuan ng mga bata. Dagdag pa niya, karapatan nilang gamitin ang priority lane.
Kaya naman ipinaliwanag ng grupo ang uri ng mga PWD.
“Sa mga hindi nakaka-intindi, ang pagiging PWD ay hindi kailangang naka wheelchair lang. May dalawang uri po ng PWD, yung may apparent disability, tulad ng naka wheelchair, at yung non-apparent tulad ng may epilepsy, stroke and cancer survivors, lupus, etc.”
Nilinaw din nilang hindi puwedeng i-peke ang ibinibigay na identification card.
“Nawa’y mas maintindihan ito ni Mr JM Rodriguez. hindi po napepeke nang madali ang PWD ID dahil may database po ang DOH na nakamonitor lahat ng may ID.”
Facebook Comments