Bilang pakikiisa sa 43rd National Disability and Rehabilitation Week ngayon buwan, isinagawa ang pamimigay ng assistive devices sa mga persons with disabilities sa lungsod ng Alaminos.
Sa selebrasyon, iginawad ang assistive devices, grocery items, relief supplies at hygiene kit sa pamamagitan ng isang ceremonial awarding sa mga espesyal na pangangailangan o mga Empowered Differently Abled Persons sa lungsod.
Pinangunahan ang naturang selebrasyon sa 43rd National Disability and Rehabilitation Week na may temang “Kalusugan at Kaunlaran ng Pilipinong May Kapansanan, Isulong sa Gitna ng Pandemya” ng mga matataas na kawani ng Lungsod, kabilang ang City Social Welfare and Development Office, Persons With Disabilities Affairs Office.
Samantala, isinagawa din ang oath taking ng mga opisyales ng City of Alaminos Association of Women with Disabilities (CAWWD) at Barangay Presidents and Coordinators ng Persons with Disabilities Office (PDAO).