Manila, Philippines – Maaari nang magamit ang pera ng China sa mga transaksyon sa Pilipinas.
Ito ay dahil na rin sa nilagdaang Memorandum of Agreement on renminbi clearing arrangement.
Ang MOU ay nilagdaan sa malakanyang nina Bangko Sentral ng Pilipinas deputy Governor for Financial Supervision Sector Chuchi Fonacier at Ambassador Zhao Jianhua at nagsilbing witness sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Sa ilalim kasunduan, magagamit ang pera ng China na renminbi sa mga transaksyon sa bansa.
Sa kasalukuyan, dolyar ang karaniwang ginagamit sa mga panlabas na transaksyon sa Pilipinas.
Samantala, naselyuhan din kagabi nina Philippines secretary of finance Carlos Dominguez at chairman Chen Siqing ng Bank of China ang Memorandum of Understanding on panda bonds issuance.
Sa ilalim ng MOU, maaring ang Pilipinas na ang mag-issue ng renminbi-denominated bonds na sa China ibebenta.