PWEDE PA | Trillanes, maaari pa ring maghain ng rejoinder sa naging sagot sa Makati RTC ng DOJ

Manila, Philippines – Maari pa ring maghain ng rejoinder sa Makati RTC si Sen. Antonio Trillanes.

Kasunod ito ng pagsumite ng Justice Dept ng kanilang sagot sa naging komento ni Trillanes sa hirit ng DOJ na magpalabas ng Hold Departure Order at Alias Warrant of Arrest para sa kasong rebelyon.

Una nang nanindigan ang DOJ na hindi nakasunod si Trillanes sa sa requisites sa ilalim ng Proclamation number 75 para sa kanyang amnesty.


Iginiit ng DOJ na nilinlang din ni Trillanes ang Estado nang paniwalain nito na sinunod niya ang lahat ng requirements para sa amnestiya

Nag-ugat ang kasong rebelyon ni Trillanes nang kubkubin nito at ng grupong Magdalo ang Manila Peninsula Hotel noong 2007.

Facebook Comments