PINAAAYOS | Polisiya ng NFA, dapat ayusin agad ni Secretary Piñol

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan kay Agriculture Secretary Manny PiƱol na magpatupad agad ng maayos na polisiya at reporma sa National Food Authority o NFA.

Pahayag ito ni pangilinan makaraang ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NFA sa ilalim ng Department of Agriculture o DA.

Diin ni Pangilinan, umaasa ang mamamayan na sa nabanggit na hakbang ay mabibigyan agad ng solusyon ang krisis sa bigas.


Mungkahi ni Pangilinan, labanan ang mga mapagsamantalang rice traders na kakuntsaba ng ilang tiwaling NFA official at manager.

Binanggit din ni Pangilinan ang paggawa ng mga kalkuladong iskedyul ng pag-iimport ng bigas, at pagtaas sa presyo ng pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka.

Facebook Comments