Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na maaari namang gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Veto Power para matiyak na magiging malinis sa katiwalian ang 2019 national budget na dumadaan ngayon sa deliberasyon sa Senado.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng pagbubunyag ni Senador Panfilo Lacson na mayroon siyang nakitang 2.4 billion pesos na budget allocation o Insertion sina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at House Majority Leader Nonoy Andaya.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kung makakakita ang Pangulo ng mali o kuwestiyonableng probisyon sa 2019 national budet ay maaari naman niya itong iveto para hindi makasama sa batas.
Pero una narin naman sinabi ng Malacañang na kung sa tama naman mapupunta ang allocated fund ng mga mambabatas ay wala namang problema dito.
Tiniyak din naman ni Panelo na hindi papayag si Pangulong Duterte na magkaroon ng anomang katiwalian sa pondo ng bayan.