Pwersa ng Maute group, unti-unting humihina – AFP

143

Manila, Philippines – Kumbinsido ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na unti-unti nang humihina ang pwersa ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon – maraming armas, droga at pera ang narekober mula sa kalaban


Sinabi ni Western Mindanao Command Commander, Major Gen. Charlie Galvez –napasok na ng mga sundalo ang mga lugar na dating kontrolado ng teroristang grupo.

Ayon naman kay Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza –prayoridad ding mailigtas ang mga natitirang sibilyan na naiipit sa gulo.

Para naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – tinitingnan na rin ang pag-aayos sa mga nasirang istraktura.

Sa pagtutulungan ng gobyerno at iba’t-ibang organisasyon, maibabalik ang kapayapaan sa Marawi.
DZXL558




Facebook Comments