Manila, Philippines- Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na unti-unti na nilang napapahina ang pwersa ng komunistang grupo na NPA.
Ito ay matapos ang sunod-sunod na operasyon na kanilang ginagawa matapos ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng all-out war laban sa rebeldeng grupo.
Sa press briefing sa Camp Aguinaldo sinabi PAO chief Col. Edgard Arevalo na umaabot na sa 43 operasyon ang kanilang nailunsad laban sa grupo simula noong Pebrero 4 hanggang sa kasalukuyan.
Lumalabas na nagkakaroon ng 2 engkwentro kada-araw sa pagitan ng dalawang grupo.
Sa datus ng militar umaabot na sa 16 ang napapatay mula sa NPA, apat sugatan habang 17 naman ang naaresto.
Maliban dito ay marami na rin aniya ang kanilang narerekober na mga matataas na kalibre ng baril mula sa komunistang grupo.
Muli namang binigyang diin ni Arevalo na kung meron man unang nagnanais na matapos na ang halos dekadang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo, yun ay ang AFP.
Sa ganitong paraan aniya ay makakapag focus na ang militar sa iba pang mahahalagang tungkulin.
Umaabot naman sa 65 ang bilang ng NPA na sumuko sa pamahalaan kasama ang 2 menor de edad.
Believes the Armed Forces of the Philippines (AFP) to gradually weaken the forces of the communist rebel group.
It was after a series of operations that they are doing after the declaration of President Rodrigo Duterte of all-out war against the rebel group.
In a press briefing in Camp Aguinaldo said PAO chief Col. Edgard Arevalo amounting to 43 launched their operations against the group since February 4 to the present.
It appears that having two encounters per day between the two groups.
The data of the military extends to 16 killed from the army, four wounded, while 17 were arrested.
The exception here is much also said they recovered the high-powered firearms from the communist group.
Again Arevalo also emphasized that if any first loves after nearly decade of fighting between the two groups, it is the AFP. In this way, he said, the military can focus on other important tasks.
Up to 65 the number of rebels who surrendered to the government along with two minors.
, AFP, Rody Duterte, Rea Mamogay