Naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng banta ng Bagyong Rolly.
Partikular na naka-alerto ang Coast Guard sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog, at Northern Luzon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang mga tauhan ng PCG sa Local Government Units (LGUs) para sa posibleng paglikas sa mga maaapektuhang residente.
Habang ang PCG sub-station personnel ay inatasang makipag-ugnayan sa local fishing communities para maabisuhan ang mga mangingisda na huwag pumalaot para hindi sila malagay sa panganib
Ang PCG Auxiliary naman ay nakahanda para sa augmentation ng rescue teams.
Facebook Comments