Manila, Philippines – Sa layunin na tuluyang malansag ang illegal drugs activities sa loob ng mga bilangguan sa buong bansa particular sa Bureau of Corrections, magsasanib na ang pwersa ng Phil. Drug Enforcement Agency o PDEA at Bureau of Corrections o BuCor
Ito ay matapos na magpirmahan ng memorandum of agreement lagdaan nina PDEA Director General Aaron Aquino at BuCor Officer-In-Charge o OIC valfrie g tabian na ginanap sa new bilibid prison reservation sa Muntinlupa City.
Sa ilalim ng memorandum of agreement, nakasaad dito na kanilang ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng republic act 9165, or the comprehensive dangerous drugs act of 2002, sa loob ng correctional institutions.
Kasama rin sa naturang aktibidad ang inauguration at blessing ng PDEA liaison and coordinating office sa loob ng NBP.