Ipinag-utos na ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Cirilito Sobejana ang pag-deploy ng dagdag na Naval Assets sa Julian Felipe Reef, matapos maberipika ang presensya ng 183 Chinese vessels.
Sa kanyang pagharap sa Commission on Appointments ay sinabi ni Sobejana na layunin ng dagdag pwersa ng Philippine Navy na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda at para mabantayan din ang marine resources at integridad ng teritoryo ng Pilipinas.
Diin pa ni Sobejana, hindi tino-tolerate ng AFP ang incursions ng mga Chinese sa bahagi ng karagatan na sakop ng ating teritoryo.
Ayon kay Sobejana, nai-report na nila ito kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at sa National Task Force on the West Philippine Sea.
Binanggit ni Sobejana na kanila ding pinag-aaralan ang tila military formation ng nabanggit na mga barko ng China.