Pwersa ng PNP sa Region II, Nakaalerto na ngayong Semana Santa!

27

Nakaalerto na ang buong pwersa ng PNP sa Lambak ng Cagayan upang magbigay seguridad lalo na sa mga matataong lugar gaya ng mga terminals, simbahan, beach at resorts kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Police Lieutenant Colonel Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office 2, nagbigay na ng direktiba si PRO2 Police Brigadier General Jose Mario Espino sa kapulisan na tiyakin ang seguridad ng publiko kaugnay sa pagsisimula ng mahabang bakasyon at ngayong Holy week.


Nakahanda na rin anya ang mga pulis sa mga lugar sa lambak ng Cagayan na posibleng dadagsain ng mga lokal at dayuhang turista.

Samantala, Patuloy pa rin anya ang dating routine na ipinapatupad ng PNP upang mamintina ang kaayusan at kapayapaan sa lahat ng mga nasasakupang lugar.

Facebook Comments

From Advertisers