Manila, Philippines – Isinusulong ng Mababang Kapulunganna tuldukan ang modus operandi ng mga nasa likod ng “pyramidingscheme” at “Ponzi scam”.
Dahil sa kawalan ng korte na tututok sa mga kaso ngpyramiding ay namamayagpag hanggang ngayon ang mga operators ng ganitong gawainat umabot na sa P25 bilyon ang nananakaw mula sa mga narecruit na miyembro.
Inihain ni House Deputy Minority Leader at Makati CityRep. Luis Campos ang House Bill 5339 na layong bumuo ng tinatawag na’commercial trial courts’ na siyang tututok sa iba’t-ibang klase ng investmentfraud, pagkulimbat sa corporate funds, intellectual property violations,financial rehabilitation and liquidation, intra-corporate disputes at paglabagsa admiralty and maritime laws.
Kung may partikular na korte na hahawak sa mga ganitongkaso ng scam ay mapapabilis ang paglilitis at mapaparusahan agad ang mgapromotor ng ganitong panloloko.
Giit ni Campos, dahil sa kawalan ng commercial courts, sa labing-anim na taongpagpapatupad ng Republic Act 8799 o Securities Regulation Code, dalawangakusado pa lamang sa kaso ng ‘bogus investment scheme’ ang nasentensiyahan.
Pyramiding scheme, pinasusugpo ng Kamara
Facebook Comments